ultraelectromagnetic kailanganpabangimemorizeyan
galing ng album! bili kayo. champion! overall rate ng album 4.5 stars. bakit? eh sa idol ko ang eheads eh, tapos sinama pa si francism at rico j.. ehdi 4.5 stars!!!
nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..
galing ng album! bili kayo. champion! overall rate ng album 4.5 stars. bakit? eh sa idol ko ang eheads eh, tapos sinama pa si francism at rico j.. ehdi 4.5 stars!!!
oo... masarap ang bawal. tunay na masarap. pero di naman ako laging tumitikim ng bawal eh. pag nagkayayaan lang at pag nasa harap ko na, minsan di ko na talaga mapigilang tumikim. eh kasi nga masarap eh. pero di rin naman ako mashado mahilig eh. shempre takot din ako. baka kung ano pa ang mangyari. kaya lang kahapon nung nasa harap ko na, wala na akong magawa, tinikman ko rin. pero ano ba ang pinagsasabi ko? seafoods po!
kahapon po kasi ng tanghali nagkayayaan dito sa opis na kumain sa Gerry's Grill dito sa libis. pano despedida namin para sa isang opismeyt. sarap ng mga order namin, shempre sisig, adobo flakes, sinigang na seafoods, pusit, tuna panga (wala kasing buntot eh). tsalap! eh yung isang ka-opismeyt ko nagmalasakit at nilagyan ako ng 2 pirasong pusit. kahit alam kong bawal (kasi may allergy ako), tinikman ko rin. ayun, di pa tapos ang kainan nangangati na ako. tapos pagdating dito sa opis, nanlalamig ako na parang naiinitan. kulang ako sa hangin pakiramdam ko. kaya niyaya ko na lang ang misis ko na umuwi. kaya andito ako ngayon sa opis para tapusin ang mga trabaho na di ko natapos kahapon. dahil sa 2 pirasong pusit, di ako nakapagtrabaho mabuti. sabi nga nung iba namamaga na raw mukha ko bandang hapon, kala ko nagpapatawa lang sila. namumula na nga rin daw mukha ko eh. hay naku, dahil sa 2 pirasong pusit.
sa susunod di na ako uulit! ayoko na talaga ng bawal! (isang piraso na lang siguro.)
natawa ako nung mabasa ko ang column ngayon ni conrado de quiros sa inq7.net tungkol sa arrovo. kung di nyo po nabalitaan, ganito po kasi, nagkamali ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa imprenta ng mga 100 peso bills, naging Arrovo ang apelyido ni Arroyo. sabi ni de quiros ang rovo daw eh spanish for robbery. di ata naturo sa amin ito nung nasa USTe pa ako. di talaga tinuturo ang mga ganito sa USTe. 6 units ako ng spanish pero ang natutunan ko lang "Yo que sera salir", ibig sabihin "Sir may i go out!". pumasa naman ako sa awa ng dyos.
heniwei, sabi ng BSP eh gawin na lang daw collector's item ang mga 100 peso bills na mali ang apelyido ni arroyo. sabi naman ni de quiros di daw apelyido ni arroyo ang mali kundi yung salitang President sa harap ng pangalan niya.
may punto siya!
bertdey nung barkada ko nung nasabi ko itong mga katagang ito.
aktwali kausap/katalo/ka-debate ko yung utol ng beerkada kong may bertday, pinagtatalunan namin ang kung anu-ano, more specifically, walang complete balance sa buhay ng tao, parang "time", di talaga totoo.
di ko alam kung bakit ko nasabi ito sa utol ng barkada ko na may bertdey nuon. marahil dahil nasapian na ako ng ispirito ng redhorse or malakas na talaga sipa ng redhorse.
narinig ko ulit kanina itong awiting ito. malalim ang ibig sabihin, kailangan muna na lasing ako bago ko maintindihan... makainom na nga.... sana sabado na nang makainom na ulit!
========================
gawa ni Cynthia Alexander
woke up this morning
I was staring at the ceiling cracks
and roadmaps and highways and landscapes
I have seen
I have been
to places far and deep in my mind only to find
Comfort in Your strangeness
Of moving shadows when I call the wind by name
rushing Firewater in the dark of a cloud
I have seen
I have been
to places far and deep in my mind only to find
Comfort in Your strangeness
we are slaves to the crimes we commit
in fits of passion
we shame
we are nothing we are nothing we are nothing we are nothing
but the dust on Your feet
dying to be born again
singing Ether Water Fire singing Earth Singing Air
I have seen
I have been
to places far and deep in my mind only to find
Comfort in Your strangeness
I have seen
I have been
to places far and deep in my mind
only to find Comfort in Your strangeness
nabalitaan nyo ba recently yung nangyari dito sa pilipins my pilipins?
may nahuli raw ang kapulisan na mnlf terrorist/kidnapper! buong pagmamalaking sinabi ni gloria na nahuli raw
pero tekateka, after one day of investigation (hindi ng pulis kundi ng media), lumabas ang katotohanan. mali ang nahuli! pero na naging bato pa. hindi pala si kumander putol ang nahuli, kundi isang mamang nagngangalang antonio gara. isang kaawa-awang sabungero ang pinagkamalang si kumander putol! pano putol din daw ang braso nitong si "kumander sabong" eh, pero da big diperens is dat he has no leftt arm, da real kumander putol has no right arm. joskopo! pano ba naman ang ginamit ng pulis para sa pagkumpara ay pictures sa isang cellphone, eh sino ba namang tanga ang gagawa nito. (shempre pa pulis 'pinas!) di raw kasi kasya sa picture yung body shot eh, kaya mukha lang ang picture. pero di ba nakasulat sa description ni sihiron na putol ang kanang braso niya? or alam ba ng kapulisan ang diperens ng right from left. talo pa sila ng anak kong nasa senior casa 1 eh. umaygasbalbas, talaga nga naman matatakot ka sa kapulisan natin. eh kung ganito kalaking description ang nami-miss out nila, pano pa kaya kung nagkaparehas lang kayo ng nunal ng isang suspek? josnamahabagin, baka hulihin ka rin bigla at ikulong pa.tapos sasabihin ng kapulisan na ok lang daw, ganon talaga minsan nagkakamali. lecheng pagkakamali, simpleng-simple lang naman ang titignan eh para makilala, left or right. tapos sasabihin pa na wala naman daw na-violate na rights? tanginuminkowagmilo, yung paghuli ba sa yo at pag-present sa media eh hindi violation of human rights? tanong kaya natin sa Commission on Human Rights. haynaku, aydontknowenimore!