Principles in Life
isa sa prinsipyo sa buhay na dapat nating pag-aralan ay yung matuto tayong mag-appreciate ng mga tao na nag-influence sa atin... – from Gary Granada LIVE!
========================
ayos, makata talaga si Gary Granada. maganda mga pinagsasabi, mapapaisip ka talaga.
nagtataka ka siguro bakit parang napapadalas kong banggitin si Gary Granada. Kasi po napakinggan/pinapakinggan/papakinggan ko ang CD nyang Gary Granada LIVE. mahusay kasi naririnig mo na nakikisalamuha siya sa crowd.
pero bakit ko ba sinulat ito, kasi gusto ko lang magpasalamat sa mga nag-influence sa akin sa pag-blog... si kwentongtambay at apold'great. nakakatuwa, nakakatawa, may katuturan, mga gusto mong sabihin / isulat pero nahihiya ka.
dati nakikibasa-basa lang ako, pero naisip kong magsulat dahil sa dalawang 'to, aktwali marami talaga pero itong 2 'to ang nagbigay sa akin ng lakas na loob na gawin ito. di ko man sila kilala personal eh parang kilala ko na rin sila sa kanilang kwento. maraming salamat po!
4 Comments:
At Tuesday, November 22, 2005 12:17:00 PM, batjay said…
salamat din.
At Wednesday, November 23, 2005 11:28:00 AM, roamee said…
salamat din po sir batjay!
tunay kang henyo sa pagpapaligaya ng mga kapwa!
At Thursday, December 01, 2005 4:45:00 PM, Anonymous said…
uy! tnx, tats namana ako dito. hehe! keep on blogging!
At Friday, December 02, 2005 1:02:00 PM, roamee said…
sir apol, na-tats ka ba?
salamat din sa pagbisita at koments.
Post a Comment
<< Home