Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Wednesday, November 09, 2005

Ode to Alas Singko

hay naku, miyerkules ng umaga
kailangan maaga sa opisina
alas siyete kailangan nakaparada
sasakyan, kundi ako'y yari na

odd-even, color-coding, pare-pareho lang
trapik pa rin naman sa kalsada
gawang batas wala namang hadlang
sa mga drayber na walang disiplina

hay naku, san na napunta ang tulang ito
siguro ako'y masakit lang ang ulo
ikaw ba naman gumising ng alas singko
susulat ka talaga ng kung anu-ano!

===========================
sinulat ko itong tula
na may muta pa sa mata
ikaw na talaga magising ng alas singko
galit ka, kahit pa sinong pontio pilato!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home