long weekend means short nights
kwento muna ng mga happenings nung long weekend...
my whole family went to the province nung saturday morning. pupunta kasi kailangan makita naman namin yung uncle namin who passed away. ganyan ata talaga dito sa 'pinas. close family ties talaga, na pag may namatay eh kailangan lahat ng kapamilya eh pumunta at makilamay at makilibing (yari ka pag di ka nakapunta.. 'kaw na susunod). speaking of which, kaya nga kami umuwi. ayos naman ang byahe. it took us around 6 hours, shempre may stopover pa. ok na talaga ang NLEX, nabawasan na ang trapik sa tollgate. pero magugulantang ka sa babayaran mo, pati sa gasolina. grabe isang byahe pa lang sandamakmak na ginagastos mo,. kaya hirap na rin umuwi ng probinsya eh.naalala ko dati madalas kami umuwi ng probinsya (kahit na walang patay). pero mula nang mag-asawa ako't magka-anak, di na lagi. teka-teka, where was i...alas sais kami umalis ng maynila, dumating kami ng la union alas dose ng tanghali. puyat na naman. pero ok lang, di naman ko ang nagmaneho eh. kaya pagdating pa lang diretso na kami sa patay. ok naman ang burol, masaya. masaya kasi nagkita-kita kami ng mga pinsan ko, at shempre pag nagkikita, may inuman. tuloy di ako nakapag-lamay ng mabuti. nakatulog na sa kalasingan. pero ok lang, wala naman nangyari eh.
susunod na araw, dinalaw naman namin lolo ko (erpat ng ermat ko). ok naman malakas pa rin, pero laging sinasabi na mahina na raw. tingin ko tatagal pa yun! mga hapones nga natakasan niya nung death march eh (yun ang kwento nya!). kaya matagal pa buhay non!nakilamay ulit kami (aktwali sila lang pala ang umulit, kasi ako unang beses kasi lasing nung isang araw), di ko naintindihan. pano kanta yung dasal, tapos ilokano pa, malalim na ilokano. eh anak ko lang natuwa eh, pano naglabas ng kape (kapeng barako na walang gatas at asukal) at biscuit. ayun sinawsaw ang biscuit sa kape.
aktwali yung mga anak ko tuwang-tuwa sa probinsya eh. nakakalimutan nila ang cartoon network, nickelodeon, disney channel at kung anu-ano pa. masaya rin na makita sila na kahit saan magtatakbo at di ka natatakot na mawala. pano naman kahit saan may kamag-anak kami. kaya plano kong gawing madalas ang pagpunta sa probinsya para sa kanila.kahapon ng madaling araw kami umalis at dumating ng maynila ng alas nuwebe ng umaga.
tapos na naman ang isang long weekend, balik sa lamesang walang ginawa kundi mag-type at sumagot ng telepono. nga pala, yung uncle ko, bukas ang libing. SLN.
kwento ko sa susunod mga kababalaghan na umikot sa probinsya dahil daw sa kanya...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home