Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Wednesday, November 02, 2005

mga napag-isip-isip ngayong panahon ng patay...

kagabi ng madaling araw.. nagising ako bigla ng nakatanggap ng di magandang text galing sa utol ko...
namatay na raw yung uncle ko..

di naman kami close... pero mapapa-isip ka talaga.. mabilis lang talaga ang buhay natin dito sa mundong
ibabaw... saglit lang ang tinatagal natin..

dapat itodo na natin ang buhay.. gawin lahat ng gustong gawin.. puntahan lahat ng gustong puntahan...

tanong lang sa sarili ko.. bakit ba kailangan mamatay ang tao.. bakit di pwedeng mabuhay ng habambuhay?
is death really the next great adventure? ewan ko.. pero ayoko pang malaman..
siguro nga next great adventure... sana nga...
para naman makita ko ulit lahat ng mga kamag-anak ko na nasa payapa na..

lalung-lalo na anak ko.. na di man lang nakasilay ng siang bukang liwayway....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home