trikortrit
mejo delayed telecast na 'to, pero may kasabihan nga tayo.. "better late than sorry" (tama ba?)
halowin in da pilipin sana ang title ng blog ko na 'to, pero di ko alam kung sine-celebrate ba natin talaga ang halloween.
eversince naman kasi, never kong nalaman kung ano ang ibig sabihin ng halloween. para sa akin nakakatakot ang halloween. para sa akin ang halloween eh panahon kung kelan nagpapalabas ng nakakatakot ang mga tv shows, kahit na noontimeshow pa na kantahan, dapat ang dating nakakatakot. kailangan naka-costume lahat.inaabang-abangan din ang palabas sa MGB (magandang gabi bayan), lalung-lalona nung si kabayan noli pa ang host. shempre nakakatakot talaga.
never kong na-experience nung bata ako mag-trikortrit. di ko nga alam ibig sabihin nito eh.
kaya nung nag-umpisang gawin ito sa opisina, dinala ko agad mga anak ko. ngayon everyyear eh inaabang-abangan na nila ang halloween. 'bang klase rin dito sa opis, bongga talaga.patindihan ng decoration kada floor. tapos kada corner sa floor namin pagandahan rin.may mga dekorasyong nakakatakot (ilang bata nga ang umiyak sa area namin eh), merondin namang dekorasyon na ginawa para lang magkaron (mukha tuloy cheap na beerhouse ang dating)pero all in all, masaya. overtime ka para magdesign ng area. at shempre tuwang-tuwa rin mga anak ko, daming kendi. dalawang bag na malaki ang napuno namin ngayong taon. minsan nga mas bongga pa ang decorations pag halloween kesa christmas eh, ayos talaga.at shempre, costume galore ang mga bata, parang pyesta talaga.
ang saya-saya talaga noh! (parang ate glow ang dating) sana meron nang ganito nung bata pa ako!
ang saya-saya talaga noh! (parang ate glow ang dating) sana meron nang ganito nung bata pa ako!
1 Comments:
At Thursday, November 26, 2009 3:46:00 AM, Anonymous said…
hisroaminess.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading hisroaminess.blogspot.com every day.
fast cash loan
loans
Post a Comment
<< Home