Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Monday, November 14, 2005

discussions


madami-dami na naman akong natutunan nung weekend. dami kasing discussions na nagaganap basta may "prayer meeting" kami ng mga barkada ko. teka-teka, ano bang "prayer meeting" ang sinasabi ko?
inuman = prayer meeting. di ko alam kung bakit bumagsak sa prayer meeting ang ibig sabihin ng inuman.
ang inuman ata eh kasama na talaga sa buhay pinoy. kahit na before the americans came eh tumo-toma na ang mga pinoy. basta may okasyon siguradong may inuman. binyag ng baby, binyag sa natutong gumawa ng baby, bertdey ko, bertdey mo, bertdey ng kapatid, bertdey ng barkada, bertdey ng kapitbahay, bertdey ng anak ng barkada, kasal, patay, lipat-bahay, blessing ng bagong bahay, blessing ng lumang bahay. lahat ata ng okasyon sa buhay ng pilipino eh may inuman. yun ngang iba kahit na wala nang okasyon, gagawan ng okasyon para lang makapag-inuman. pero bakit kailangan gawang ng okasyon? para may justification daw ang pag-inom.
pero di naman ako madalas uminom. swerte nang maka-toma sa isang linggo. tsaka usual ko namang kasama eh mga barkada ko lang. atsaka once a week lang naman akong dumalaw sa fairview, kaya minsan rin lang kami magkita ng mga kabarkada.eniwei, anu-ano ba ang mga discussions na nagaganap sa inuman namin na minsan umaabot sa mainitang pagde-debate?
>> [relihiyon] --> ano ba ang pinakamagandang relihiyon? yan ang isa sa mga debate namin. pero pare-parehas naman kaming katoliko. meron palang isang jehovah, pero di sya ang ka-debate namin. yun isa kasi naming barkada eh naghahanap ng relihiyon niya.sabi ko dati, try niya "scientology", baka dun mahanap niya hinahanap niya. ano ba yon? ewan ko, basta nabasa ko lang na relihiyon ng mga hollywood stars ata yun eh.
>> [politika] --> di ata talaga mawawala sa debate pag nag-iinuman ang politika. kung sino ang pinakamagaling na presidente, kung tama si gloria, pano kung nanalo si fpj, kung gwapo talaga si cong. chiz escudero, kung tanga talaga ang ibang congressman. dami... dami talagang pwedeng pagkwentuhan tungkol sa politika. pero sa huli, ganon pa rin. kanya-kanya pa rin ng pananaw.
>> [showbiz] --> kapuso ka ba o kapamilya? wala pa ring tatalo sa eat bulaga! ayos ang pinoy big brother! sino ang huling na-evict?
>> [form of government] --> ano ba ang magandang form of government para sa pilipins my pilipins? democratic? parliamentary? o communist? "pag-aralan mo kasi ang mga turong Marxism-Leninism-Maoism, para alam mo kung ano talaga ang maganda para sa bansa natin."
>> [kwentong barkada] --> si ano daw na asawa ni ano eh may relasyon kay ano! naniniwala ba kayo? si ano ba eh nag-aadik na ulit? eh di na sumasama sa atin sa inuman eh.
>> kwentong barbero --> eto eh mga kwentong kung anu-ano lang, mula sa "do you believe in time?", hanggang sa "there is no complete balance in life", pati na rin ang "maganda yung bagong beerhouse dito sa...", lalo na yung "mas maganda yung ka-table mo dati na kinukurut-kurot ni ano sa singit...". in oder words, mga walang katorya-toryang bagay.
pero bakit ba talaga nag-iinuman? malay ko? basta, masarap kasi eh!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home