Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Thursday, November 24, 2005

money changes everything

natawa ako nung mabasa ko ang column ngayon ni conrado de quiros sa inq7.net tungkol sa arrovo. kung di nyo po nabalitaan, ganito po kasi, nagkamali ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa imprenta ng mga 100 peso bills, naging Arrovo ang apelyido ni Arroyo. sabi ni de quiros ang rovo daw eh spanish for robbery. di ata naturo sa amin ito nung nasa USTe pa ako. di talaga tinuturo ang mga ganito sa USTe. 6 units ako ng spanish pero ang natutunan ko lang "Yo que sera salir", ibig sabihin "Sir may i go out!". pumasa naman ako sa awa ng dyos.

heniwei, sabi ng BSP eh gawin na lang daw collector's item ang mga 100 peso bills na mali ang apelyido ni arroyo. sabi naman ni de quiros di daw apelyido ni arroyo ang mali kundi yung salitang President sa harap ng pangalan niya.

may punto siya!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home