Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Saturday, November 19, 2005

in da ofis on a saturday morning


andito ako sa ofis ngayong sabado ng umaga. bakit? kasi po halfday ako kahapon. bakit? kasi po kuhanan ng report cards ng anak kong si miguel sa san beda. bakit? kasi pag top honors ang anak may special na award na binibigay. yabang ba? may tanong pa? anong ginagawa ko dito? eto at pilit tinatapos ang mga iniwan na trabaho kahapon, pero di matapos-tapos kasi kinukulit ako ng anak kong si sabella. bakit? kasi kasama ko siya dito sa opisina. bakit? kasi kasama namin ni jen (wife ko) itong dalawa na umalis kanina. san kami pumunta? hinatid namin si miguel sa poveda. bakit? kasi may special training sila sa math. bakit? kasi ang mga top 15 students ng each grade level sa iba't-ibang schools ay in-invite para magkaroon ng special class sa poveda. ayos dinaan sa kwento ang pagyayabang.... hehehe... kainis nga eh, aga ng gising imbes na nakahilata pa at nananaginip pa na ako si neo at kinakalaban ko ang sangkatutak na agent anderson... hehehe. gusto ko lang talagang sabihin na hinatid namin si miguel sa poveda kaninang umaga para sa isang special math na pagtuturo. malay ko kung ano yun. di naman ako kasama eh, tatanong ko mamya kay miguel kung ano ginawa nila at ikukuwento ko bukas, kung di ako kulitin si sabella at pia (yung pangatlo kong anak).

4 Comments:

Post a Comment

<< Home