Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Monday, November 21, 2005

takot at pangamba


ito ang nararamdaman ko ngayon. bakit 'kanyo? kasi field trip ng panganay kong si miguel ngayon, at walang kasamang magulang o guardian ang mga bata. puro mga teachers at school administrators lang ang mga kasama. first time ni miguel na pumunta sa isang lugar na walang kamag-anak. dati kasi nung nag field trip sila nung nasa senior casa I pa lang siya, kasama niya mommy niya. kaya kinakabahan ako talaga, pero excited na rin na mata-try niyang mag-isa lang at unti-unting matutong maging independent. pero grade 1 pa lang kasi siya eh. so takot at pangamba talaga, di lang sa akin kundi pati sa misis ko. pero siyempre dapat itago ko konti yung nararamdaman ko, baka kasi matakot rin anak ko eh. dami nga nilang pupuntahan ngayon eh, Yab Design, Avilon Zoo, Sugarland at Assumption Ecopark. siguradong matutuwa sya sa mga pupuntahan niyang lugar. ipapakwento ko na lang kung ano ang nangyari mamyang pag-uwi namin.
bukas naman takot at pangamba part 2, field trip naman ni sabella!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home