Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Wednesday, November 23, 2005

hello garci.. it's so nice to have you back where you belong

nagtext kahapon ang utol ko na nandito na daw sa pinas si former comelec commissioner virgilio "hello garci" garcillano. nag try akong mag-verify sa inq7.net breaking news kung totoo nga. pero wala pang balita. pero pag-uwi ko ng bahay kahapon, sangkaterba nang impormasyon, spekulasyon, balita ang naglabasan ukol sa pagdating nga ni garci. kanina pagtingin ko sa inq7.net, headline na nga nila na andito na nga sa pinas si garci, ayon sa misis niya. ayos,
"hello garci, it so nice to have you back where you belong"

aba eh di magandang balita nga kung totoo nga na nandito na siya. matagal-tagal na rin siyang nawala at madami-dami na rin siyang mga katanungang dapat sagutin.

pero ang siste, magpapaimbestiga lang daw siya kung ilalabas din ang iba pang wiretapped conversation niya kasama naman ang ilang kilalalang tao na galing sa oposisyon. aba, ibang klase talaga 'tong si garci, sya pa ang may lakas ng loob na magbigay ng kundisyones.
"you're looking swell, garci, we can tell, garci, you're still glowin', you're still crowin', you're still goin' strong"

para sa akin maganda na nga rin na ilabas na lahat ng mga nakausap nitong si garci. in the first place mali talaga ang makipagusap sa comelec sa panahon ng eleksyon pag ika'y tumatakbo. pero mas mali ang magpa-dagdag ng bilang! di po ba? sa ganang akin, hulihin kaagad si garci, tapos ibukas kaagad ang imbestigasyon sa kongreso! nang mapaalis na si gloria! yan ang wish ko ngayong pasko!

"hello garci? oo yung spongebob, yung spongebob!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home