Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Tuesday, November 22, 2005

takot at pangamba part 2


natapos ang aking takot at pangamba kahapon nang makausap ko si migs pagkauwi niya galing ng field trip nila. first time nga niya kasing mag-isa na walang kasamang kamag-anak at puro kaklase at teacher lang ang kasama. ok naman daw, ang saya-saya nga daw eh. tuwang-tuwa siya sa Avilon Zoo. ok din daw sa Sugarland, kasi binigyan sila ng 4 na pirasong jelly ace (ok talaga bata, bigyan mo lang ng kahit ano masaya na!). ok din sa Yab Design, dami din nilang nakitang xmas designs at kung anu-ano pa. di nga raw sila pumunta sa Assumption Eco-park. di ko lang alam kung bakit. magalit ba ako sa school at humingi ng refund sa bayad? hehe, sobra naman siguro yon.

ngayon naman takot at pangamba part 2 (slightly moderate). kasi po si sabella naman ang mag-field trip. slightly moderate kasi kasama niya mommy niya. kaya di ako masyadong takot. pero sa kakulitan ni sabella baka mas mawala pa yun eh. hehehe.

dami din nilang pupuntahan ngayon, una na sa listahan ang Sugarland. (bakit ba kasama lagi ang sugarland? ewan ko?) tapos pupunta rin sila sa Museo Pambata, Rainforest dito sa Pasig. at manunuod rin sila ng Emperor's New Clothes sa Greenbelt.

sana mag-enjoy sya! tingin ko mag-eenjoy siya!

2 Comments:

  • At Wednesday, November 23, 2005 6:51:00 AM, Anonymous Anonymous said…

    ang naaalala ko dati, pumunta kami sa pabrika ng best foods, may libre kaming mayonnaise at saka gulaman... ahehehe :) siguro maganda talaga jan sa sugarland no? parang pangalan ng theme park! hehe :)

     
  • At Wednesday, November 23, 2005 11:24:00 AM, Anonymous Anonymous said…

    ako naman ang naaalala ko, lagi kami sa mongol. may libre tuloy isang box ng pencil lagi!
    di ko alam yung sugarland eh, parang willy wonka ang dating!
    apir!

     

Post a Comment

<< Home