Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Thursday, January 18, 2007

Adbentyurs in Shanghai - DAY 1

Aktwali ito ay nangyari nung na-destino ako sa Shanghai ng isang buwan.
From Nov. 5 - Dec. 4 ang mga kwentong ito. Minsan walang kwenta ang mga kwento (oo na, malamang madalas), pero ito ang mga nangyari sa akin..
parang diary ko nung nasa shanghai ako.

Sinulat ko ito sa Notebook (Corona notebook at hindi laptop) at nag-type rin sa ofis.. so ang mababasa mo eh yun na yun.

Linilipat ko lang dito para may mababalik-balikan ako.

======================
Nov. 5, 2006 - Sunday
First Day


Sa Pinas pa...
Aga nagising (aktwali hindi na talaga nakatulog). Pagdating ng airport sarado pa pala. Nakakalungkot pero excited. Kiss ng kiss kay Mig, Bel at Pia. Mami-miss ko ang pamilya ko, sobra!
4:30am pumila na papasok ng airport. Pinigilan kong umiyak. Buti na lang at hindi umiyak si Jen o Mig o Bel. Nakakalungkot pala talaga pero buti na lang 30 days lang (kung hindi ako magpa-extend), kasi kung matagal talaga, mababaliw ako. Di alam ang gagawin sa airport pero madali lang naman pala. Ang bilis ng proseso. Mga 5am, wait na ako ng boarding. May nakatabing isang babaeng pinipigilang umiyak. Matagal siguro siya sa ibang bansa. Muntik naharang sa x-ray dahil sa tubig pala.
Sumakay ng 5:50am, aisle seat ako. Tatluhan lang ang eroplano magkabilang side, maliit lang. wala sa gitna ko pero may matandang Fil-Intsik sa window seat. Excited ako, ngayon na lang ulit nakasakay ng eroplano. 6:30am lumipad, nakakahilo. Di ako makatulog kasi si Mr. Yu laging nag-CR. Kaya ko nalaman na Mr. Yu kasi hinahanap anak niya ng cabin crew, di pala nakasakay dahil di pinayagan ng immigration. Wala kasi clearance sa POEA eh OFW siya. Anyway, nakakahilo. Kausap si Mr. Yu tungkol sa kung anu-ano. Di masarap pagkain. Walang kwenta, laman tiyan lang. Nanuod ng “Me, Myself & Dupree”. Nung nag-CR ako, nag-turbulence, muntik ako masuka sa CR. Nakaidlip konti pero ginising ni Mr. Yu kasi bumalik galing CR. Sabi ko kay Mr. Yu susundan ko siya pagdating ng Pudong. After 3 hours, dumating ng Pudong. 9:30am, paglabas ng plane, ang lamig grabe! DI ko ata kakayanin. Sunod ako kay Mr. Yu sa shuttle, sunod pa rin hanggang CR. Hehehe. Mabilis lang na na-clear at nakuha ang luggage. Paglabas sa arrival, nakita ko ang isang mamang may hawak na papel na nakasulat ang pangalan ko. Nagpakilala pero di naman pala nakaintindi ng ingles. Nagpapalit ng pera, bumili ng tubig na mahal (80RMB = 11USD = 511Php). Evian kasi tatak. Eh malay ko ba! Sinundan ang driver papuntang taxi at sumakay. Nakita ang Maglev sa highway. Nag-umpisa ang picture taking. Natakot ng biglang nag-left turn ang taxi sa parang iskinita! May squatters din pala sa shanghai. Shortcut pala! Matagal din ang byahe. After around 45 minutes nakarating na rin sa bahay! Nakita ang building pero wala ang mga pinoy na mag-meet sa akin. Nagtanung-tanong kung tama ang lugar ko. Tama naman! Nag ikut-ikot para makita ang mga pinoy. Wala pa rin! Naghanap ng mabibilhan ng SIM card wala naman maka-intindi. (Di kasi gumana ang International Roamnig ng Globe! Bwiset!) May nakitang dalawang matandan na nag-aabang sa harap ng building. Nagtanong, tama naman ang lugar. Lahat ng tao kinakausap ako ng chinese eh english naman salita ko. Di ko na alam ang gagawin. Pina-akyat ako nung isang matanda, baka nasa room na ang gma pinoy eh. Akyat ako ng 1101 kasi sabi nung matanda hindi daw 1201. Ngek mali apala. Upto 11 lang ang elevator, stairs upto 12. Walang tao sa 1201. Baba ulit. Kinausap ang ale na iiwan ko ang luggage ko at maghahanap ako ng mabibilhan ng SIM card. Lahat thru sign language. Puntang Longyang Train Station, nagtanong walang makaintindi. Balik ulit. Andun pa naman ale at bantay pa luggage ko. May kausap na lalaking marunong mag-english. Alleluya! Pinahiram ako ng cellphone at nakontak ang isang pinoy (si Gerald). Si Connie na may hawak ng susi, di makontak, nagsimba pala. Dumating si Gerald at Grace (girlfriend niya) ng 11:30. Sa wakas may nakausap din ng matino! Pero di pa rin makapasok ng room. After 1 hour ulit, dating si Rosiel. Sa wakas nakapasok na rin. Ganda ng flat. Two bedroom, two toilet & bath, with sala and kitchen. Pahinga ng konti at lumabas. Bumili ng SIM card, bumili ng KFC at pumunta sa unit ni Connie na nakasunod din sa house ko. Naka-text din sa pinas! Kain ng KFC, nuod ng ASAP (may cable sila Connie – illegal hehe!) Nakatawag din sa pinas gamit ang IP card na benta ng frien ni Connie. Nakausap ang pamilya. Sa wakas! Miss ko na sila! Kwentuhan ng madami. Pagod na ako, nagyaya na akong umuwi. Sinamahan ako ni Rosiel, Gerald at Grace, tinuruan gumamit/bumili ng ticket para sa subway pagpasok sa office bukas. Bumili ng KFC para dinner, bumili din ng fruits. Sinamahan ulit ni Geral at Grace sa house. Kwentuhan lang tapos umuwi na rin sila. Nag-ayos ng mga gamit. Di makakain, walang gana o kinakabahan lang kaya? Nag-paskil ng mga sulat ni Mig at Bel sa dingding. Hehe, binasa ulit ang mga sulat. Di naman na masyadong malungkot. Excited na kinakabahan. Haaay, andito na talaga ako sa Shanghai. What a first day!
Miss ko na si Jen, Mig, Bel at Pia. 30 days and counting! ... nga pala puro chinese palabas sa TV at walang phone sa flat ko... kainis!
Expenses for the day:
- water in airport = 80 RMB
- taxi = 120 RMB
- SIM card = 65 RMB
- IP card = 25 RMB
- fruits = 16.50 RMB
- KFC (dinner) = 18.50 RMB
total 325 RMB

Total Money = 400 USD = RMB 3092.61
Money Left 3092.61 – 325 = 2767.61 RMB

Bukas tipid dapat! Kainin ang pancit canton. Alamin kung pano sindihan ang gas stove! Hehehe!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home