Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Wednesday, December 14, 2005

to tat or not to tat


matagal-tagal ko nang iniisip na magpa-tattoo. ewan ko ba, nakaka-aliw lang makakita ng body art. tuwang-tuwa ako sa body art eh. naalala ko pa nga nung highschool ako, lagi kong sinusulatan ang kamay ko. pero di ako magaling mag-drawing eh, magaling lang kumopya. kaya lahat ng mga nado-drowing ko sa kamay ko eh puro kopya lang.

pero lagi kong naririnig na kung gusto mo daw magpa-tattoo eh dapat sigurado ka sa ipapalagay mo sa katawan mo at sigurado ka kung san dapat ilagay. shempre nga naman kasi habambuhay mo nang kasama ito. (pwera lang kung gusto mong ipabura na alam ko eh mas gagastos ka ng malaki)

eniwei, nung nauso ang mga henna tattoo, lalo akong natuwa kasi kahit na ano ang ipa-drowing ko eh temporary lang at after 2 weeks eh "malinis" ka na ulit.

ngayong taon dapat magpapa-tatto na talaga ako. dapat nung bertdey ko, pero nag-chicken out ako. ganda na nga ng naisip ko na design nun eh. dragon na parang lumiliyab na nakasulat ang pangalan ng misis ko at mga anak. pero naisip ko, kailangan dagdagan lagi yun pag may bago akong anak. baka mag-tampo ang isa pag di nasama. masakit na sa katawan, di pa sigurado kung kelan matatapos. kasi baka 65 years old na ako eh magkaanak pa ako. o kaya baka umabot ng 13 ang anak ko.. eh baka buong kamay ko na ang dragon!

buti na rin siguro di pa ako nagpa-tattoo nun. pero ok lang naman yung design na nagawa ko eh. (aktwali kinopya ko lang tapos minodify para maging akin) ngayon bumabalik na naman yung itch ko na magpa-tattoo. ewan ko ba, bigla na lang eh. ngayon naman ang gusto kong design eh tribal na sun tapos pangalan ng misis ko sa gitna in alibata. tapos sa may left side ng dibdib ko ilalagay. di ko nga lang alam kung gusto kong black lang o gawing colorful eh. mas mejo maganda kasi pag maraming kulay, pero baka maging baduy. bahala na. pero di pa ako nakakakita ng mga magagaling mag-tattoo dito sa pinas eh. (aktwali, di lang talaga ako naghahanap pa) pero pag tumagal ang kati na ito eh magtatanong na ako sa mga kabarkada kong may mga tattoo.

bahala na, basta gusto ko magpalagay. yun ang alam ko ngayon. ewan ko lang next year.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home