ultraelectromagnetic kailanganpabangimemorizeyan
ultraelectromagneticjam - cd compilation ng masasabi nating greatest hits ng isa, aktwali, pinaka hit na banda nung 90's, eraserheads.ang galing nang ultraelectromagnetic jam na album. bale mga kanta ng eraserheads na linapatan ibang style ng iba't-ibang banda/artist. bakit naging jam? kasi jam 88.3 ang nag-produce eh. kung ibang station kaya ganon din ang ginawa? ultraelectromagnetic kc? ultraelectromagnetic nurock? ultraelectromagnetic forlife? at eto ang pinakamalupet.. ultraelectromagnetic kailanganpabangimemorizeyan? ngek!
eto yung lineup ng mga kanta:
--> alapaap (6 cycle mind) - ayos ang dating. parang kaboses nga ni ney dimaculangan si ely buendia eh. galing ng gitara, iba ang dating sa original. litaw ang gitara. mejo naging pop ang tunog ng boses (mas refined ang dating pero mejo matinis) (3.0 stars)
--> magasin (paolo santos) - ayos pop na pop. maganda ang pagkakagawa, di mashado nilayo sa original. buti naman. di ako mashado disappointed. pero puro boses, wala mashadong narinig na kakaiba, except for the guitar riffs effect na parang may dumaan na bus byaheng alabang zapote. (ayos feeling critique talaga) (1.5 stars)
--> spoliarium (imago) - galing talaga. mula sa boses ni aia, hanggang sa hampas ni zach, gitara ni tim at bass ni myrene. hehe eh anong gusto mo eh sa magaling talaga ang imago eh. pero mashado light boses ni aia, kulang sa galit. tsaka parang may sipon siya nung kumakanta siya. may sipon nga kaya? (4.0 stars)
--> overdrive (barbie almalbis) - sino kaya mga kasama niya na naglapat ng tunog dito? maganda boses, buti na lang overdrive ang kinanta, kasi kung iba baka naging katunog pag ASAP o SOP eh. para akong pinapatulog sa kanta. puro hangin, kakaiba... parang nagpapa-cute pa rin kahit di ko nakikita. kairita! waaaaaahh.. next song please. (0.5 star)
--> with a smile (south border) - ok naman, di mashado baduy ang pagkakanta. pop lang sobra, wadayaexpect? parang sinama si stevie wonder sa pagkakanta nila. tapos 3 pa ata silang kumanta, kaya parang jackson 5 (ok 3 lang), bad trip yung " it's a wonder love can make the world go round and round and round and round.. nahilo ako (1.5 stars)
--> tikman (sugarfree) - hehehe ayos, patok! galing ni ebe, ganda ng boses. pati yung palo ni mitch. para tuloy gusto ko talagang tikman ang langit! iba ang dating, fresh na fresh. mas naging feel joy yung kanta, lalo na yung mga undertones sa may bandang huli! (4.5 stars)
--> ligaya (kitchie nadal) - feeling rocker na ewan. bakit kaya ganito ang ginawang timpla sa kantang ito? eh parang ito pa naman dapat ang pinag-aksayahan talaga ng oras kasi ito talaga ang nagpasikat sa eheads eh. diba? parang pilit sinama si kitchie nadal. maling singer o maling kanta. basta ganon. bad trip yung parang tumatawa-tawa pa si kitchie nadal dun sa linyang "ilang ahit pa ang aahitin". pero nagustuhan ko yung pagkanta niya sa "di naman ako manyakis tulad ng iba". manyakis kasi ako??? next song plis (0.5 stars)
--> torpedo (isha) - sino si isha? ewan ko... pero halos maiyak ako nung marinig ko yung kanta. feeling ko si nora aunor ang kumanta. nanginginig-nginig pa boses niya. syaks.. bakit ganito?? parang may kasamang banduria na tumutugtog. sana nga rondalla na lang ang tumugtog tiyak mas maganda pa! sino si isha? di ko pa rin alam, basta alam ko buti na lang isha lang kanta. (no star)
--> superproxy y2k (francism) - "da man" talaga. galing talaga ng boses. tindi ng mga "scratch", bigat din ng tugtugan. mas maganda pa kesa original. kumpletos recados dahil may rap! sana na lang si francsm na lang ang nag-rap, kasi rapper siya eh. si ely singer hindi rapper. pero olinol superdabestgaling! tyak yon! panalo! (5 stars)
--> huwag kang matakot (orange and lemons) - kaboses ni eva eugenio. di ko alam bakit naging ganon ang tunog ni mccoy o ni clem? basta parang iba. tsaka parang pang-commercial yung pagkakanta nila. kala mo jingle sa radio. pero ok naman ang bagsakan. galing, naging 70's english newwave/pop yung dating ng kanta. magaling na grupo eh kaya magaling rin ang pagkakakuha! (3 stars)
--> pare ko (sponge cola) - parang nagpapacute ang dating ng boses ni yael. di ko maintindihan. ganda na sana ng tugtugan kakainis lang boses niya. parang gustong gawing labsong. kala ko tuloy si marco sison ang kumakanta at hindi spongecola. buti na lang maganda ang pagkakagawa nila, mejo nawawala-wala lang yung drums. di ko maintindihan! o jusko! ang tagal pa.. sakit na sa tenga! (1.5 stars)
--> huwag mo nang itanong (mymp) - pilit kong binuksan ang pananaw ko nang malaman ko na mymp ang kumanta nito. ok naman. light na light lang ang dating. parang nang-aakit ang dating. pero maganda ang tugtugan. galing ng keyboards. buti wala mashado arte sa boses. pwede naman. medjas ang dating (mejo jazz) ok! (1.5 stars)
--> hard to believe (cueshe) - it's really hard to believe na sinali ang cueshe dito. pilit ko ulit pinalawak ang aking pag-unawa sa pagkagawa nila ng kanta. pilit ko man, ayaw talaga. baduy. bad trip. bwiset! wala akong naintindihan.. parang gutom yung kumakanta, kinakain ang sinasabi. sayang ganda pa naman ng kanta! feeling ko antagal-tagal ng kanta. next song plis! (no star)
--> alcohol (radioactive sago project) - galing ng umpisa. pinasukan agad ng sariling pag-iisip, creative talaga. galing talaga ng rasp, ayos si lourd, pero kulang sa adlib eh. iba talaga pag live. pero olinol agen, ayos! patok! (4.5 stars)
--> maling akala (brownman revival) - matagal nang kumakalat sa airwaves at tv. galing ng brownman revival, dati ko pa sila naririnig (maikli pa buhok ni dino dati). ganda ng dating na reggae beat sa kanta. panalo! (4 stars)
--> ang huling el bimbo (rico j. puno) - eto talaga ang pinakaaabangan ko. di naman ako na-disappoint. panalo talaga kung sino ang nakaisip na isali si rico j. dito sa album. at pakner na pakner sa kanya ang el bimbo! teripik! walang kaduda-dudang big hit ng album! hehe.. para sa akin! panalo si rico j! galing ng kanta nya ng "ang huling el bimbo"... lalo na yung linyang "tumigas ang aking..". panalo talaga. idol! hehehe. (5 stars)
--> para sa masa (various artists) - ayos. magandang ending sa magandang album! parang we are the world ang dating. hehehe.. local bersiyon nga lang. (3 stars)
galing ng album! bili kayo. champion! overall rate ng album 4.5 stars. bakit? eh sa idol ko ang eheads eh, tapos sinama pa si francism at rico j.. ehdi 4.5 stars!!!
2 Comments:
At Thursday, December 01, 2005 6:38:00 AM, Anonymous said…
waaaaaaaaaaahhh... ang galing mo naman!!! sa tingin ko ay idol mong tunay si rico j!!! ahehehe XD sana ibaon na ang cueshe sa ilalim ng lupa. para masaya XD apir! very good kritik!
At Thursday, December 01, 2005 5:44:00 PM, Anonymous said…
tama ka kananete... idol kong tujay si rico j... hinihintay ko ngang magsisigaw sya ng "baby, baby, baby" eh..
di naman ako galit sa cueshe.. di ko lang sila trip.
next kong iki-kritik yung makukuha ko sa exchange gift sa xmas!
Post a Comment
<< Home