masarap ang bawal
oo... masarap ang bawal. tunay na masarap. pero di naman ako laging tumitikim ng bawal eh. pag nagkayayaan lang at pag nasa harap ko na, minsan di ko na talaga mapigilang tumikim. eh kasi nga masarap eh. pero di rin naman ako mashado mahilig eh. shempre takot din ako. baka kung ano pa ang mangyari. kaya lang kahapon nung nasa harap ko na, wala na akong magawa, tinikman ko rin. pero ano ba ang pinagsasabi ko? seafoods po!
kahapon po kasi ng tanghali nagkayayaan dito sa opis na kumain sa Gerry's Grill dito sa libis. pano despedida namin para sa isang opismeyt. sarap ng mga order namin, shempre sisig, adobo flakes, sinigang na seafoods, pusit, tuna panga (wala kasing buntot eh). tsalap! eh yung isang ka-opismeyt ko nagmalasakit at nilagyan ako ng 2 pirasong pusit. kahit alam kong bawal (kasi may allergy ako), tinikman ko rin. ayun, di pa tapos ang kainan nangangati na ako. tapos pagdating dito sa opis, nanlalamig ako na parang naiinitan. kulang ako sa hangin pakiramdam ko. kaya niyaya ko na lang ang misis ko na umuwi. kaya andito ako ngayon sa opis para tapusin ang mga trabaho na di ko natapos kahapon. dahil sa 2 pirasong pusit, di ako nakapagtrabaho mabuti. sabi nga nung iba namamaga na raw mukha ko bandang hapon, kala ko nagpapatawa lang sila. namumula na nga rin daw mukha ko eh. hay naku, dahil sa 2 pirasong pusit.
sa susunod di na ako uulit! ayoko na talaga ng bawal! (isang piraso na lang siguro.)
4 Comments:
At Wednesday, November 30, 2005 1:24:00 AM, Anonymous said…
haaaay, dahil sa dalawang pirasong pusit. hehehe
pati ba sa alige eh allergic ka rin?
At Wednesday, November 30, 2005 1:33:00 AM, Anonymous said…
in short. isa kang pasaway! para 2loy si rudolf na alalay ni santa dhil namumula mukha mo. sana inamoy mo nlng ng todo at sabay subo ng kanin.
At Wednesday, November 30, 2005 7:47:00 AM, Anonymous said…
tado... tumpak dahil sa 2 pirasong pusit! pati sa alige allergic ako!
At Wednesday, November 30, 2005 7:49:00 AM, Anonymous said…
knivez... kahit in long pasaway talaga ako! tama, rudolf, rudolfo boy garcia (SLN) pagkatapos bugbugin ni efpijey! sa susunod susundin ko payo mo, amoy tapos subo!
Post a Comment
<< Home