SEA Games is IN, Garci is OUT
the 23rd SouthEast Asian Games formally kicked off last sunday with pomp and pageantry expected from my beloved host country philippines my philippines. ok nanuod ako, ang ganda. para kang nanuod ng that's entertainment saturday edition. hinihintay ko ngang lumabas si kuya germs eh, pero si POC president Peping Cojuangco lang ang lumabas. ang ganda ni mikee cojuangco-jaworski, sya kasi naging flag bearer kaya tagal niya sa camera eh. galing rin ng style ng pag-sindi sa cauldron of fire (parang harry potter - di mashado maganda ang goblet of fire na pelikula). si equestrienne tony leviste na naka-kabayo binigay ang torch kay ma. antoniette rivero tapos kanyang hinati ang nag-uumapaw na tao (parang moses at red sea ang dating)... galing talaga ng pinoy basta entertainment value ang dating. sana naman madami tayong mapanalunang gintong medalya... todo na natin ang sana, sana tayo ang mag-overall champion. as of today eh meron na tayong 25 gold medals, 10 silver at 15 bronze. so number one pa rin tayo. yahoo. sana magtuly-tuloy na 'to.
sa ibang dako ng bansa naman, nagpakita na rin sa wakas si garci. nung linggo eh biglang naglabas ang abs-cbn ng kanilang exclusive interview with garcillano. susunod na araw naman eh gma7 naman ang naglabas, tapos ngayon naman may interview na siya sa inquirer. paexclu-exclusive pa eh parang lahat naman pagbibigyan din. tapos tinatanggi pa niya na boses nga niya at ni pekeng pangulong gloria ang na-wiretap. eh sino ngayon ang sinungaling? si gloria inamin na niyang may kinausap siyang comelec official eh. tapos si garci naman ayaw umamin! josnamahabagin... sinungaling talaga kapatid ng magnanakaw!!!
eh ano naman ang konek nung SEAG kay garci? sabi nung opismeyt ko, baka daw kaya lumitaw si garci eh siya ang magbibilang ng gold sa seag. sigurado na tayong overall champion!
2 Comments:
At Wednesday, November 30, 2005 1:26:00 AM, Anonymous said…
sana nga maging rank one tayo hanggang sa matapos ang sea games :) lech, alang basketball, sayang.
gusto mo magreview ng harry potter movie? hehe o kaya yung ultraelectromagneticjam na tribute album. XD
At Wednesday, November 30, 2005 7:51:00 AM, Anonymous said…
pedicab tayo... sana nga mag-numva wan ang pilipins my pilipins!
yoko mag-review ng harry potter movie. kasi pay may review, ibig sabihin may exams. critique na lang... btw may critique na ako ng ultraelectromagneticjam, basahin mo. (hanep sa segue!)
Post a Comment
<< Home