overall champs and more
persenpormost, gusto kong i-congratulate lahat ng atletang pinoy na kasali sa 23rd SEA Games. aba kundi niyo pa po alam, ang pilipins my pilipins ang nanalong overall champion. perstaym in da history of da pilipins yan mga kaibigan. kahit na di pa nanalo ng gold medal, kahit nga di nanalo ng medal, ayos lang. bilib pa rin ako sa inyo. aktwali, ako yan ang gusto ko talagang gawin eh. full-time athlete. pero sa basketbol lang ako magaling eh. basketbol sa banyo.. ngek. i-congratulate na rin natin lahat ng administrators at officials ng philippine sports. tunay na ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat! ayos ang pinoy! kahit na sabihing nandaya pa tayo na hindi naman totoo. maayos pa rin lahat! pikon talo lang yung iba kaya ganon!
eto ibang kwento naman, napanood niyo ba kahapon nung dumating si garci galing sa kung saan pang lupalop nanggaling yung hayup na yun? aba antindi ng security niya. parang hindi siya yung may sala at key witness siya sa pagtrato sa kanya eh. nakngtokwa, anlabo talaga. baka bukas makalawa eh gawin ngang state witness yan tapos parang si manong chavit na parang hero pa kung saka-sakali! ang sa akin lang, paaminin sa lahat ng kalokohang ginaw tapos isama si gloria. eh kung gusto ring sumama ni first gentlepig arroyo eh di sumama na rin siya. baka gusto rin sumama ng anak nila na dakilang artista mikee arroyo, isama na rin natin. onli in da pilipins talaga na ikaw na ang may sala ikaw pa ang pwedeng humingi ng mga kundisyones. grabe talaga.. baka ma-wycoco ako nito!
basta ang alam ko.. walang nandayang atletang pinoy o judge na pinoy nitong SEA Games. ang nandaya eh yung nasa malakanyang at etong comelec commissioner. ang magnanakaw kapatid ng sinungaling.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home