all's fair in love and war
all's fair in love and war, but only God can make a tree.. tama ba yon??
ah basta ganon.. naalala ko tuloy yung isang na-interview ko para sa team ko.. ang sinasagot ba naman sa akin eh "ah basta ganon". shempre di ko tinanggap. teka nasan na ba ako? ah kaya ko kasi ito nasulat dahil na-inis ako dun sa mga narinig ko na balita na inaakusa daw tayo ng thailand olympic committee ng pandaraya sa 23rd sea games. eh loko loko ba siya? eh di naman pinoy lahat ng judges sa iba't-ibang sport eh. ayaw lang patalo, sasabihin nadaya na. parang bata. sabi sabi nga, ang pikon ay laging talo!
kaya siguro tayo inaakusa na nandaraya dahil na rin sa namumuno sa atin eh mandaraya. sabi nga ni ted failon kanina sa tambalang failon at sanchez sa dzmm, di lahat ng pilipino ay mandaraya. atsaka di naman comelec ang nagbibilang sa seag eh kaya walang dayaan. nakakatawa pero totoo diba? tsaka nung nakita naman na nagka-kontrobersya eh binawi naman ang isang gold eh. basahin niyo na lang dito kung ano yun.
at eto na ang latest medal tally:
(country-gold-silver-bronze)
philippines-57-36-45
vietnam-40-36-41
thailand-29-44-51
malaysia-24-21-24
para sa listahan ng lahat ng mga bansang kalahok, dito na lang alamin.
nga pala, today is world aids day. dagdag kaalaman lang, walang mawawala kung magbabasa.
4 Comments:
At Thursday, December 01, 2005 4:46:00 PM, Anonymous said…
hinid nga kaya si garci ang scorer sa sea games? duda ako eh. hehehe!
At Thursday, December 01, 2005 11:09:00 PM, Anonymous said…
hehehe oo nga ano? baka may wire-tapping pang nangyari nyan? ahehehe
At Friday, December 02, 2005 9:33:00 AM, roamee said…
apol, di naman ako duda sa mga atletang pinoy.. kay garci lang talaga wala akong paniniwala. baka may nag-hello garci na taga philsports? hehehe...
At Friday, December 02, 2005 9:34:00 AM, roamee said…
doodledoo... yun nga eh baka nagka-tawagan pa. "hello garci? oo, yung gold medal huh, kailangan mga more than 1M pa rin ang lamang."
Post a Comment
<< Home