Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Tuesday, December 13, 2005

so be good for goodness sake


natapos na ba kayo sa inyong krismas syaping? ako hindi pa! aktwali, di pa nga ako nag-uumpisa eh kaya sigurado di pa ako tapos. di pa ako nakakapamili ng pangregalo sa misis ko, sa mga anak ko, sa mga magulang ko, sa mga magulang ng misis ko, sa mga kapatid ko, sa mga kapatid ng misis ko, sa mga inaanak, sa mga kaibigan.. wala pa ni isa.
waaaahhh, ilang araw na lang pasko na. ano gagawin ko? isulat ko na lang kaya lahat kay santa klaws ang mga hiling ko? totoo kaya si santa klaws? mga anak ko naniniwala kay santa klaws eh, nakakatuwa nga eh. kasi may napanuod sila minsan sa tv na di daw totoo si santa klaws. grabe apekted na apekted sila. tinanong pa nga ako "diba papa, totoo si santa klaws?" shempre ang sagot ko, "oo!"
buti pa mga bata naniniwala pa rin kay santa klaws, na lahat ng hilingin nila eh mabibigay ni santa klaws basta't naging good for goodness sake ka!sana ako rin ganon! pero eversince di ako naniwala kay santa klaws eh, pano mga magulang ko ang nakikita kong namimigay ng regalo! atsaka kasama ako pag bumibili sila ng regalo eh, kaya alam ko na binili nila yon.eh kung ngayon ako maniwala kay santa klaws? meron kaya akong matatanggap kay santa klaws? email ko kaya siya? ang tanong naging good or bad ba ako? lagot, parang wala ata akong matatanggap.

2 Comments:

Post a Comment

<< Home