Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Friday, December 09, 2005

moro-moro sa senado


sayang.. di nakapunta si garci sa senado kahapon. eh di sana nagkaroon naman ng moro-moro sa senado. pano nung isang araw sarsuela sa kamara ang nangyari eh. pati si atty. sammy ong di rin nakapunta. parehas atang nagkasakit. si garci daw tumaas ang high blood (high blood nga eh, edi sadyang mataas). si sammy ong naman di pumunta kasi may kaso pa sa kanya.

eniwei, ang nagsalita lang yung kinakasama ni vidal doble na si marietta santos. dami rin mga sinabing pangalan. dami nga rin na-kwento.

kung sinu-sino rin ang mga pinangalanan niya na kasangkot sa wiretapping incident. pero ang tanong papaniwalaan din ba si marietta santos. nakakatawa lang yung isang tanong ni sen. pong biazon kung naniniwala ba si marietta na sinasabi ni doble ang totoo.. ang sagot ni marietta, "Hindi po sya naglilihim sa akin." ayos, galing mismo sa self-proclaimed "no. 3" ni doble. ironic nga naman dipoba?

aabangan ko na lang yung pagbabalik ni garci sa kamara sa martes, a-trese. sigurado ako, inaabang-abangan na rin ng lahat kung ano naman ang mga ipagsasabi niya don.
nga pala, bukas ay human rights day. walang mawawala kung magbasa at malaman.
END TORTURE NOW!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home