Canned Thoughts...

nakita ko (ata) ito dati sa college newspaper namin..maganda.. nawari ko.. ganito pala ako.. daming nasa isip.. puro isip... ngayon nais kong isulat lahat ng aking canned thoughts... sana pagtyagaan niyo..

Wednesday, December 14, 2005

Pinocchio sa Kongreso

nasa kongreso si pinocchio kahapon. opo, tama ang basa niyo.. nasa kongreso nga si pinocchio. siyang-siya walang duda!

pero nagdududa daw yung iba kung si pinocchio nga yung pumunta sa kongreso. kasi si pinocchio daw gawa sa kahoy, yung nasa konreso kahapon hindi naman daw. di ko sigurado di ko naman nakatok yung ulo kung gawa nga sa kahoy. pero sigurado ako may katok yun! hehe. sino ba ang sinasabi ko, syempre sino pa ba kundi si garci.

pero kawawa naman si pinocchio, kasi siya nagbago din nung huli eh at naging tao. eh si garci ata di na magbabago, parang kanta ni randy santiago. kaya tuluyan na nga talagang may katok.

tamang-tama nga yung kanta ng Juan Isip kasama si Popong Landero, (mga dating miyembro ng WUDS ang bumubuo sa Juan Isip) 'Pinas lang ang aking bayan. sa mga pinaggagawa ng administrasyong arroyo.. tama sila pinaslang na nga ang aking bayan!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home