Adbentyurs in Shanghai - DAY 2
Nov. 6, 2006 – Monday
Day 2
Hay naku di ako nakatulog mabuti. Akala ko makakatulog ako ng mahimbing sa pagod. Ever hour nagigising ako, namamahay ata ang katawan ko. Nung umpisa di masyado malamig, naka-aircon pa ako, pero nung mga ala-una na, sobrang lamig na rin kaya pinatay ko na aircon. Sobrang aga dumilim kaya mga 7:30pm pa lang ata nakahiga na ako. Shempre nakabukas lang ang TV. Yun ang pampatulog ko eh. Buti na lang nakita ko ang sports channel. Mga 5:18am nagising na, di na talaga abutan ng antok. Nagpainit na lang ng tubig. Shempre tatanga-tanga hirap buksan ang stove. Nagpapainit ng tubig pampaligo habang nag-iisip kung ano ang almusal. Parang may choices – canton, noodles, apple o banana at yung hindi nakain na burger kagabi. Kahit ano na lang ok lang. Nuod lang ng TV at exercise konti bago maligo. Mga 7:45am daw kami meet ni Rosiel sa Longyang Subway. Exciting.. what wil happen to my second day? Nga pala, ang ingay din ng mga bus, malapit kasi ako sa highway. Dinig lahat ng busina. Para din lang nasa pinas ang mga driver at pedestrian dito, kala ko mas may culture sila. Di rin ata! Hehehe.
After 2 trains (subway), 1 bus at madaming lakad... umabot din ako sa ofis in one piece. Thanks to Rosiel na kasama ko. Kung wala akong kasama siguradong di ako aabot. Na-prove ko na sobrang dami talaga ng tao sa China. Talo ko pa ang sardinas sa dami ng tao sa subway. (Tinuloy ko ang paggawa ng Adbentyurs in Shanghai sa PC)
Sakit sa kamay magsulat kaya dito ko na lang itutuloy ang mga kwento ko. Dami talaga tao sa China.. grabe ang nangyari sa akin sa Subway. Eh di umalis ako ng bahay ng 7:40 kasi 7:45 ang usapan namin ni Rosiel na magkita sa Longyang station, tapos paglabas na paglabas ko, halos di ako nakakilos sa lamig. Buti na lang talaga may mga dala akong panglamig. Pagdating ng subway ginaya ang mga intsik sa pagbili ng train card tapos bumaba na. Nakita naman si Rosiel at sumakay na ng train (Line 2). Ayos lang ang umpisa konti pa lang ang tao.. after ilang stops dumami ng dumami ang tao hanggang sa maging sardines kami. Pagdating namin sa People’s square station halos lahat bumaba.. sunod lang sa tao naglakad ng malayo sa loob pa rin ng subway papuntang Line 1. Pagdating sa Line 1 dami ng tao… intay ng train. Pagdating ng train, sugod ang mga tao. Grabe yung nasa likod ko tulak ng tulak… gusto ko na umbagin, tapos babae pala. Bwiset. Pagkasakay ng train, naging sardines ulit. After 7 stations ulit, bumaba at lumabas na ng subway. Nabigla ulit sa lamig. Lakad ng konti papuntang banko, sinamahan si rosiel mag-WD. Bumili ng siopao si Rosiel, bili rin ako. Tapos tumawid ng kalsada at naghintay ng bus. Sakay sa bus at pagkaabot sa pangalawang stop baba… lakad ulit ng malayo hanggang umabot sa ofis. All the while habang naglalakad di ko alam kung paano iipitin ang sarili para di ginawin. Pagdating dito sa ofis pinakilala sa mga tao tapos inayos ang pc ko. Nagemail sa mga kilala na nasa pinas para malaman na buhay pa ako.. tapos nagmeeting ng 10am kasama ang mga Chinese nationalities. Konti lang nakaintindi sa akin, hirap mag-meeting pero ok lang. Salita na lang ng salita. Pagdating ng 11:15 nagumpisa nang mag-alisan ang mga tao for lunch. Ayos! Nakausap ko na rin si haidee, yehey. Makakausap ko na rin si Jen mamya. 11:45 nagyaya na si Gerald, sumama ako sa kanila sa “university” at duon nag-lunch sa canteen. Puro bata pa ang nandun kasi nga university. Pero madumi, para ngang mas madumi pa kesa sa mga canteen ng universities sa manila. Ok talaga ang card system nila, nagagamit sa lahat ng lugar. Pati duon sa canteen. Umorder na lang ng parehas ng kay Gerald.. itlog at pipino.. dami ng tinakal. Di ako makakain mabuti kasi chopsticks at para akong walang gana kumain. Pero laman tiyan na rin. Ok lang kasi mura lang naman = 5RMB. Pagkatapos kumain, bumili lang ng softdrinks (2.70RMB) at bumalik na sa ofis. Tinatamad ako mag lalakad kasi sobrang lamig. Siguro bukas na lang… inaantok na rin kasi ako. Di naman ako makatulog ditto sa ofis, baka kasi maghilik ako nakakahiya. Pinahiram ako ni Gerald ng mga DVD.. ayos may mapapanuod na ako mamya. Hehehe. Kalahating araw na ang natatapos.. ano kayang adventure ang mangyayari mamyang uwian? Gastos for today: 5RMB – train, 1RMB – siopao (na di ko pa kinakain), 2RMB – bus, 5RMB – lunch, 2.70RMB – softdrinks. Running total = 15.70=2.03065USD = 101.20746 Php. Ayos ‘to, laki ng matitipid ko. Dapat araw-araw ganito para malaki ang tipid.
Haaay.. salamat nakausap ko na ulit si Jen. Parang gusto ko araw-araw ko sya kinaka-usap huh. Nakakalungkot pag iniisip ko talaga sila. Lalo na nung na-kwento ni Jen na hinahanap daw ako ni Pia. Miss na rin daw ako ni Mig at Bel. Miss ko na rin sila.. miss ko na ang pamilya ko.. Gusto ko nang umuwi! Hehehe… pero walang magagawa.. 29 days na lang naman na eh… atleast may maiipon ako at may mauuwi ako sa pamilya ko. Miss ko na talaga sila. Nyak yari na naman mamyang gabi nito. Hirap din kasi na hindi sila isipin. Pero dapat hwag mashado sila isipin, kasi baka di ako maka-trabaho ng mabuti nyan.
Haay.. kalimutan muna ang lungkot.. trabaho muna… inaantok na ako.. jetlag ba ang tawag ditto.. hehehe.. eh sa inaantok ako eh anong magagawa mo? Dami nang katanungan ng mga opismeyts kong Chinese ngayon. Di ko naman maintindihan ang mga tanong nila.. ayaw pang umamin na di ko lang talaga alam ang sagot eh no. Anyway, nahihilo na ako sa pagsagot ng mga tanong na hindi ko rin maintindihan. Alas tres kinse na, malapit nang mag-uwian.. inaantok na ako. Sakit na ng ulo ko. Haaay… 29 days pa!
Grabe, lagi akong nakangiti ditto.. paano di kami nagkakaintindihan ng mga tao.. eh di ngiti na lang ako ng ngiti. Kanina kausap ako nung isang TSG kumbaga.. wala akong naintindihan kahit isang salita.. pero nakikingiti na lang ako. Pano nakangiti sya habang nagku-kwento, eh di ngiti na rin lang ako.
Nakatapos ng meeting na puro yes at no lang ang sinabi.. hehe hindi naman.. maganda naman ang diskusyon. Pagkatapos ng meeting, nakipagusap kay Usher.. inutusan actually para mag-assign ng trabaho sa mga tao. Nagmail na kay Steven para mag-request ng transfer ng ofis. Grabe di ko na ata kaya ang lamig. Aktwali hindi ko kaya ang lamig at ang byahe. Nakakainis! Di ko naman pinagpilitan sarili ko ditto sa ofis na ‘to eh, kaya dapat may karapatan din ako na humiling. Nakausap ko na si Boss A, through Haidee para sya na ang mag-request kay S-H1, S-H2 at kung sino pang Pontio Pilato. Inaantok na ako. Sana pagbigyan ang hiling ko.
Nandito na ako sa bahay. 7:30pm ako dumating. Shempre kasama ko pa rin si Rosiel para di maligaw. Ayos naman ang biyahe. 1 oras pa rin. 6:30pm kami umuwi kasi dami na rin umuuwi. Kasabay si Gerald. Nagpa-picture sa bisikleta at sa nagluluto sa kalsada. Dyaske, ang lamig talaga. Kailangan talaga ng earmuffs at bonnet. Lakad ng 5 minutes, sakay bus to Line 1 train.. May mga pulubi din na naglilimos sa loob ng subway. Pagdating ng People’s Square, lipat ulit. Di mashado marami tao, buti naman. Sa paglakad pala papuntang Line 2 may nakita din mga pulubi. Para din lang Quiapo underpass. Bad trip ang language barrier parang ayokong mag-iikot mag-isa dahil don. Pagdating ng Longyang, baba na mag-isa. Si Rosiel sa isang station pa. Shempre aanga-anga, di makita ang exit. Nakita rin ang Exit 5. Nakarating ng bahay ng buo. Ngayon kumain ng pancit canton at saging habang nanunuod ng DVD. Yehey, pinahiram ako ni Gerald. Nga pala, yung mga damit ko na nilapag ko sa sahig kanina bago umalis, nakasampay na. Intayin k naman na ma-plantsa bukas. Di ko alam kung gusto ko pang magpalipat sa CSTS... bahala na. Ayos ang 2nd day, laki ng tipid. Sana makatulog na ngayon ng mabuti dahil pagod na rin ako. Miss ko na pamilya ko.. Mahal na mahal ko talaga sila. Tapos na halos ang 2nd day, ano kaya ang mangyayari bukas. Abangan.

Inaabutan na ng antok pero di pa rin makatulog. 9:30pm na. Makayanan ko kayang magsulat araw-araw hanggang Dec. 4? Abangan! Good night pilipins, miss ko na ang pamilya ko!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home