DAY 3 - Adbentyurs in Shanghai
DAY 3
TUESDAY, November 7
Nakatulugan ang “The Perfect Catch”, siguro nakatulog ng 10pm pero nagising ng 2am. Aktwalit, “The 40-year old Virgin” pala ang nakatulugan. Tinapos ko nung 2am pero di pa rin makatulog kaya inumpisahan ang “The Perfect Catch” at nakatulugan din yon. Nagising ng 6:30am, nagluto at kumain ng pancit canton. Di ko naubos, nakakasuka na. Yari, dami ko pa namang pancit canton. Hehe, bili na lang ako ng dinner mamaya. Exercise muna bago maligo tapos byahe na naman. AYos na naman ‘to. Sana makatipid ulit ako. Ok, let the day begin!
Ayos naman ang byahe ngayon, unlike yesterday na sobrang dami ng tao. Ngayon di naman ganon karami, kaya hindi mashadong naging sardines. Past 8 na pumunta ng station, andun na si Rosiel, mabilis lang ang byahe.. wala pang 9 andito na kami sa ofis. Bumili ng siopao, kinain ko na habang naglalakad. Ayos naman, masarap, malambot, di katulad diyan sa pinas. Pag dating dito sa ofis, tinawag agad ako ni Liang at kinausap. Nagemail na pala si Boss A tungkol sa request ko na ma-transfer at sabi niya kung nahihirapan ako mag-byahe through subway ay mag-taxi na lang daw ako. Ayoko nga, sayang yun.. laki din kasi ng natitipid ko eh.. pero pag daw nagawa na yung isang ofis pwede na akong lumipat kasama ang 5 kong testers.. hehehe nandamay pa eh no? eh nakakainis naman kasi ang layo-layo ng pinagdalhan sa akin eh.. bahala na… ok naman ang ofis dito (hindi rin).. bad trip lang talaga yung byahe. Shempre gusto kong makatipid para madami akong mauwi sa ‘pinas. Maarte lang talaga ako. Pero Cxxxxroup Employee ako eh. Tsaka bisita ako ng company nila kaya dapat di nila ako papahirapan.. tama naman diba? Anyway, sabi ni Liang baka daw week ng Nov. 20 eh pwede akong lumipat sa CSTS. Sana nga.. para naman 2 weeks ko lang mae-experience ang hassle sa travel.
Di ko pa pala naku-kwento ang isa pang bad trip dito. Di malinis ang CR nila dito. Lalo na daw sa ibang lugar. Hwag na hwag daw mag-cr sa labas lang basta (public CR). Dapat daw gumamit sa mga bagong restaurant lang. Nakakatuwa kasi ang cr nila dito.. may mga normal at may pang-squatting position lang.. pero parang di nililinis lagi.. kadiri minsan… I-ta-try kong picture-an pag nagka-chance. Gusto ko nga sanang magkukuha ng picture sa subway pero nakakahiya baka umbagin ako ng mga tao.
Di ko maintindihan pero parang lagi akong kinakabahan pag nasa labas ako. Eh laking maynila naman ako at di ako nakaramdam ng ganitong kaba. Siguro kasi akala ko cultured na cultured na ang china, na wala nang masasamang tao dito, na di ako makakakita ng pulubi.. pero mali pala ang perception ko. Kagabi nga may nakita pa akong magnanakaw. Sa loob ng isang store, may biglang lumabas na mama tapos hinabol siya ng ale at hinatak siya at kinuha ang cellphone na hawak nung mama. Dun pala sa ale yon.. nagulat ako.. kasi binigay lang ulit nung mama, parang bale-wala. Sana makaipon ng marami para makapamili rin ng marami. Excited na akong mag-shopping kahit na wala pa akong pera na pangshopping. Umpisahan ko siguro next week pag pumasok na yung per diem allowance ko.
Yung ginagawa kong trabaho dito, yun rin ang ginagawa ko sa pinas eh. Pero atleast dito naka-japorms ako.. hehehe…
Gastos for the day as of 10:59am: 5RMB-subway, 1RMB-siopao, 2RMB-Bus… for a grand total of 8RMB=1.0263USD=51.10455Php
Nabigay na sa akin ni Rosiel yung traincard, mas makakamura daw ako ng 1RMB per subway ride pero kailangan ko pang load-an yun mamya.. ok lang atleast di na ako bibili ng tiket basta sasakay ng subway. Basta makatipid! Nakatanggap na rin pala ako ng email from nikki.. ang haba ng sagot ko.. hehehe.. pati si jen naka-email ko gamit ang email ni Miguel.. buti na lang may meeting siya.. tatawagan ko sya mamyang mga 2pm gamit ang ip card na binili ko pa nung Sunday.. sana gumana.
Naglunch kasama si Gerald, Rosiel, Jessie at Maxwell (yun 2 huli mga Chinese), dun ulit sa university pero sa 2nd floor na. Ganon pa rin naman, pero puro noodles lang. Mura rin lang 5RMB. Di ulit ako nabusog. Kakaiba kasi, yung noodles parang walang lasa. Yun naman isa na hindi ko alam kung ano, mashadong maanghang. Pero ok lang, laman tiyan. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad sa tabi-tabi. Tumingin ng mga alahas.. pero mahal din eh.. malayo-layo rin ang nilakad. Mahal ata dito sa may area namin kasi halos parehas lang minsan mas mahal pa ang presyo ng mga gamit eh. Tsaka ang mga damit na tinitinda halos pang winter na lahat. Kailanan maghanap ng mga mura na pwedeng isuot sa ‘Pinas. Maaga pa naman, unang linggo ko pa lang. Matagal pa ako makakapamili. Bumili din pala ng softdrinks, para sa akin, kay Gerald at Rosiel, 9RMB lahat=1.15459 USD.. Eto ngayon balik sa ofis.. inaantok na pero di naman makatulog. Hay, gusto ko nang umuwi… hindi sa wangbang, kundi sa pilipinas. Total gastos nung lunch 14RMB=1.79602USD=89.43297PHP…. Total gastos for today as of 1:58pm, 22RMB=2.82232USD=140.53752Php. On budget pa rin.
Kinausap ko si Liang tungkol sa IDD code para makatawag sa pinas. Ok daw. Tanong ko sa kanya kung ok lang kahit na 2 weeks lang ako dito.. sabi niya agad na di pa naman sigurado kung malilipat daw ako sa CSTS office. Well.. wala talaga akong control don. Bahala na. Whatever will be, will be.
Ayos may IDD na ako.. makakasimple na ako ng tawag kay jen araw-araw. Buti na lang, kahit na sandali lang ok na rin yun kesa hindi makausap. Sana lang makausap ko na rin si Mig at Bel. Miss ko na sila.
Hay naku… problema na naman ang bwiset na opisinang ito. Kailangan kong ma-access ang web t&e pero wala namang kwenta ang pc dito. Kakainis lang talaga pag kailangan mo ang related sa opisina wala ka magawa. Parang walang ka-powers-powers yung mga boss dito. Konti na lang magrereklamo na ulit ako kay Boss A. Hay buhay… imbis na matuwa ako sa travel, nabu-bwisit pa ako. Uwi na kaya ako… hehehe… mamya na pag 6 na lang.
3:30pm na, walang magawa down na naman kasi ang Oscar.. kainis eh kahit pala andito ako wala rin naman akong nagagawa eh. Tapos wala pang kwenta dito sa ofis kasi walang ka-powers-powers ang mga pc.. .ni Citibank.com.ph hindi ma-access.. pano ba naman yon? Hay naku.. basta dumarating ang hapon puro ata ako reklamo.. sana December na! Tangina talagang buhay ‘to, bakit pa ako pumayag na pumunta ng Shanghai… alam ko kung bakit.. para makaipon.. pero tatanda naman ako sa bwiset. Hay nakakabigat ng puso!
4:39pm nakapag-internet sa internet room.. dapat wag mashado bigatan ang pakiramdam kasi pati si jen inaalala ako. Ilang beses kong nakausap si jen.. hehehe.. eh binigyan ba naman ako ng IDD code eh.. edi I-maximize ang pag-gamit! Mahal ko lang sobra ang pamilya ko kaya ako nalulungkot.. pero wala talaga akong choice.. bwiset lang kasi bisita ako dito pero parang di mashado pinapakinggan mga hiling ko. Di tulad nating mga pinoy na pag may bisita sa opisina.. inaalala lahat ng gagawin nila. Pati tutulugan nila papakialaman natin… friendly lang talaga tayong mga pinoy. Down pa rin system namin kaya wala pa rin akong ginagawa, kaya ako nalulungkot eh. Sana by next week eh marami na kaming gagawin para di na ako malungkot.
Ayos di ko na rin naiisip ang lungkot.. dami ko nang ginagawa.. almost 30mins kaming nagusap ni Spike.. naayos ko naman ang problema.. kasi iba pala ang problema hehehe.. labo ba? Tapos inutusan ulit si Usher na email nya mga teammates namin.. ayos boss na boss talaga ang dating. Sana ganito lagi para di ako mashado nalulungkot. Atleast din pag late ng konti umuwi wala na mashado tao sa subway, di na mahirap ang sakay at walang siksikan. Ayos to.. kayang-kaya ko tagalan ito. Hehehe.. labo ba? Kanina gusto na umuwi ng pinas ngayon kaya na.. eh sa ganon talaga eh.. anong magagawa ko. Pero pag next year eh ganito pa rin ang siste at malayo pa rin ang titirhan ko.. PORGETET! (forget it).. ayoko na.. sa iba na lang sila humingi ng tulong. Nga pala hinihingan ako ng training ng mga teammates ko.. malay ko ba dun. Hehehe.. pero sige yun ang hiling nila eh.. try kong gumawa ng magandang training para sa kanila!
Uwian na… 6:28na! Bukas ulit!
Ayos naka-uwi naman ng bahay ng buo. Kumakain ng sandwich na binili sa Lawson (24 hour store sa baba ng bahay) habang nanunuod ng DVD (Perfect Catch – tinuloy mula kaninang umaga) habang nagusulat. Wala masyado gagawin, sana makatulolg ng maaga para makapag-pahinga naman. Tatawagan ko pamilya ko para makausap ko naman si Mig, Bel at Pia. Para malaman na rin kung magkano ang bawas sa cellphone. Kanina gusto ko na talaga mag-quit, pero nung nagkaroon na ng trabaho, ok na ulit. Nalulungkot lang naman ako pag walang ginagawa at kung anu-ano na ang iniisip ko eh. Pero pag marami na gagawin ok na. Kaya sana marami na work para di masyado malungkot. Atsaka may IDD na ako kaya pwede ko na tawagan si Jen araw-araw. Ayos. O sya, manuod na ako ng “The Siege”, para makatulog na, pero tawagan ko muna family ko.
Nakakainis talaga ang China. Di ako makatawag sa pamilya ko. Bwiset na ako. Ewan ko kung bakit di ko matawagan ang cell ni Jen. Kainis talaga. Nyak! Tulog na nga lang!